VIRAL: Isang SUV, sumampa sa concrete barrier sa NLEX

Isang SUV ang sumampa sa barrier sa bahagi ng North Luzon Expressway o NLEX Balintawak.

Sa viral video na kuha ni Chan Lamsen, makikita ang SUV na nakasampa sa mataas na concrete barrier.

Ani Lamsen, ang insidente ay nangyari pasado 10:25 ng gabi noong Huwebes (October 10).

Sangkot dito ang isang Mitsubishi Montero na may plate number na AAU-9673.

Batay naman sa mga rumesponde, ligtas ang driver ng SUV na kinilalang si John del Cruz.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, hindi sudden unintended acceleration o SUA ang dahilan ng insidente, kundi nakatulog umano ang drayber.

Read more...