LOOK: Sarimanok-inspired gown ni Miss Globe PH Michele Gumabao, bet na bet ng Pinoy beauty pageant fans

Umani ng papuri ang national costume ng pambato ng ating bansa sa Miss Globe 2018 na si Michele Gumabao.

Sarimanok –inspired ang gold Filipiniana ng Pinay beauty queen, na kilala rin bilang volleyball player.

Ang mismong gown ay dinisenyo ni Nat Manilag, habang ang Swarovski-laden headdress at hand cuff ay design collaboration nina Manilag at Jayson Alano.

Ang Sarimanok ay isang maalamat na ibon ng mga Maranao ng katimugang Pilipinas.

Ayon sa mga Pinoy netizen, maganda at bagay na bagay kay Gumabao ang kanyang gown.

Sabi naman ng ibang beauty pageant fans, pinaka-bet nila ang national costume ni Gumabao, at kanilang nagustuhan ang kulay at pagpapamalas ng Sarimanok sa overall look nito.

Gaganapin ang Miss Globe 2018 sa Tirana, Albania sa October 21, 2018.

Umaasa naman ang 26-anyos na si Gumabao na kanyang maiuuwi ang korona.

Read more...