9 na ang gintong medalya ng Pilipinas sa ASIAN Para Games

PSC Photo

Umakyat na sa 26 ang nahahakot na medalya ng Pilipinas sa nagpapatuloy na ASIAN Para Games na ginaganap sa Indonesia.

Sa nasabing bilang, 9 ang gintong medalya, 8 ang silver at 9 ang bronze.

Pinakahuling nadagdag sa nakakuha ng medalya ay si Arthus Bucay na gold medalist sa Men’s C5 Individual Pursuit 4000 meters Cycling.

Si Gary Bejino naman ay nakakuha ng silver medal para sa Men’s 200 meters Individual Medley SM6 Swimming.

Sa iba pang events ngayong araw, si Ernie Gawilan ay nakakuha rin ng gintong medalya sa swimming.

Habang si Sander Severino ay nakakuha din ng ginto sa Chess.

Nasa pang-11 ang Pilipinas sa Medall Tally ng nagpapatuloy na Para Games.

Read more...