Tatlong akusado sa pagpatay sa Korean na si Jee Ick Joo ililipat ng bilangguan

Nakatakdang ilipat sa Angeles City Jail ang mga police official na sangkot sa pagpatay sa negosyanteng South Korean na si Jee Ick Joo.

Ito ay makaraang ibasura ng Angeles Cityi Regional Trial Court ang apela nina Supt. Rafael Dumlao, Senior Police Officer 3 (SPO3) Ricky Sta. Isabel at ng isang Jerry Omlang.

Sa apat na pahinang kautusan ni Judge Irin Zenaida Buan ng Angeles City RTC Branch 56 isinasaad sa batas na dapat sa pinakamalapit na police station kung saan ginaganap ang paglilitis makulong ang isang akusado.

Maliban dito sinabi ng korte na nakasalalay sa city jail warder ang responsibilidad para matiyak ang seguridad ng mga bilanggo.

Si Dumlao ay nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame habang si Sta. Isabel at Omlang naman ay nakakulong sa NBI.

Ang prosekusyon ang nagsulong na mailipat sa Angeles CIty jail ang mga akusado dahil doon ginagawa ang paglilitis sa kanilang kasong kidnapping for ransom with homicide at kidnapping and serious illegal detention.

Read more...