Regine Velasquez, kasama sa ASAP show sa Sydney; paglipat sa ABS-CBN mukhang tuloy na

Mukhang tuloy na ang napapabalitang paglipat ni Asia’s Song Bird Regine Velasquez sa ABS-CBN.

Sa statement kasi na inilabas ng ABS-CBN para sa ASAP show sa Sydney Australia sa October 20, nakasaad na kasama sa show si Regine.

Ayon sa pahayag, makakasama ni ASAP mainstay Ogie Alcasid si Regine bilang special guest sa naturang show.

Gaganapin ang “ASAP Live in Sydney” sa ICC Sydney Theatre.

Maliban sa mag-asawang Regine at Ogie, kasama din sa show sina Enrique Gil at Liza Soberano.

Nagpasabi naman sina Coco Martin at Lito Lapid na kapwa sila hindi makakasama sa show dahil sa scheduling conflicts sa “Ang Probinsyano”.

Read more...