7-11 nasunog sa Olongapo City, empleyado isinugod sa ospital

Credit: Joanna Aglibot

Tinupok ng apoy ang branch ng convenience store na 7-11 sa Barangay West Bajac-Bajac sa Olongapo City.

Nagsimula ang sunog alas 12:45 ng tanghali at makalipas ang 30-minuto ay naideklara ring fire out.

Isinugod naman sa James L. Gordon Memorial Hospital ang store manager ng 7-11 na si Aljurin Empinado makaraang ma-suffocate dahil sa kapal ng usok.

Ayon sa mga tauhan ng fire department, faulty electrical wiring ang maaring dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Read more...