Muling pagtakbong mayor ni Abby Binay sa Makati may basbas ng kanilang ama

Inquirer.net Photo | Consuelo Marquez

May basbas umano ng kaniyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay ang pagsabak muli sa mayoral race sa Makati City sa 20109 ni Abby Binay.

Ayon kay Mayor Abby, nilagdaan ng kaniyang ama ang kaniyang certificate of nomination and acceptance (CONA) sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) noong Sept. 27 bago ito umalis patungo sa Italy kasama ang kanilang ina.

Kung tutuusin ayon kay Mayor Abby wala naman nang dapat pag-usapan o ayusin.

Naniniwala din ang alkalde na hindi na magbabago ang isip ng kanilang ama at hindi na nito babawiin ang pasya,

Sa panayam kinumpirma ng kapatid ni Abby na si Junjun Binay ang sigalot sa pagitan nila dahil sa kandidatura sa pagka-alkalde ng Makati.

Tatakbo din kasi si Junjun bilang mayor dahil sa aniya ay lumalakas na udyok ng mga residente ng Makati.

Ayon pa kay Junjun, hinahanap ng mga residente ang “Binay brand of government” sa lungsod.

Sinabi ni Mayor Abby na tuloy na ang pagtakbo niya sa 2019 elections para sa ikalawang termino sa lungsod at sa Oct. 17 siya maghahain ng COC.\

Read more...