Sen. Nancy Binay sa away ng mga kapatid: Matatanda na sila

Inquirer Photo | Jovic Yee

Walang balak makialam si Senator Nancy Binay na manghimasok sa away na namamagitan sa mga kapatid niyang sina Makati Mayor Abby Binay at Junjun Binay.

Ayon sa senadora, matatanda na ang mga ito at may kani-kaniya nang pag-iisip.

Tumanggi din si Sen. Binay na tumugon kung mayroon bang siyang pinapanigan sa dalawa.

Sinamahan kasi siya ni Junjun Binay sa paghahain niya ng Certificate of Candidacy sa Comelec para sa 2019 senatorial elections.

Nang tanungin naman si Sen. Binay kung sino sa dalawa ang mas ka-close niya.

Sinagot din ito ng tanong ng senadora na “Sino ba ang kasama ko ngayon?”

Sinabi ni Sen. Binay na inaantay pa nila ang kanilang magulang na sina dating Vice Mayor Jejomar Binay at si Elenita Binay na nasa pilgrimage ngayon sa Italy.

Sa weekend inaasahang babalik ng bansa ang mag-asawa.

Umaasa ang senadora na maaayos din ang problema sa lalong madaling panahon.

Read more...