Dating SolGen Florin Hilbay tatakbong senador

Sasabak sa 2019 midterm elections si dating Solicitor General Florin Hilbay.

Kinumpirma ito ni Hilbay sa post sa kaniyang social media account.

Ayon kay Hilbay “tatakbo siyang senador bilang tugon sa hamon na pagsilbihan ang taumbayan at ipagpatuloy ang paGtanggol sa demokrasya” ng bansa.

Ang prinsipyo aniya na ipaglaban ang tama ang pinakamatatag na pundasyon para protektahan at itaguyod ang kapakanan ng sambayanan.

Si Hilbay ay hayag na kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

Nanilbihan siyang SolGen mula 2014 hanggang 2016 sa ilalim ng administrasyong Aquino.

 

Read more...