Ang mga nasabat ay kinabibilangan ng pitong containers na naglalaman ng gamit na damit, carrots, sapatos at mga laruan.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, pawang misdeclared at abandonado ang mga kargamento.
Naka-consign sa ASD Total Package Enterprises, Inc. ang anim na abandonadong shipments na idineklarang fresh apples ang laman.
Pero nang buksan, nakitang carrots ang laman ng mga kahon.
Ang shipment naman na naglalaman ng mga gamit na damit, sapatos at mga laruan ay naka-consign sa Freccia Prime Marketing Co.
Idineklara itong hangers at plastic racks ng consignee.
Nahaharap sa kaso ang consignee ng mga naturang mga kargamento.