Naging “very successful” ang unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa 2019 midterm elections.
Umaasa si Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez na mapanatili ang trend hanggang sa pagtatapos ng COC filing sa Miyerkules October 17.
Ang assessment ng Comelec ay dahil walang malaking aberya na nangyari sa paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo sa susunod na halalan.
Walang natanggap ang poll body ng ulat ng karahasan na may kaugnayan sa COC filing mula sa kanilang mga tanggapan sa buong bansa.
Nasa 27 senatorial candidates ang nag-file ng kanilang COC sa main office ng Comelec sa Intramuros, Manila araw ng Huwebes.
Si incumbent Sen. Aquilio “Koko” Pimentel III ang unang naghain ng COC para sa kanyang reelection.