Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahihirapan ang bansa na maging ‘rice sufficient’ sa mga susunod na taon.
Sa pulong balitaan sa kanyang pagdating sa Davao International Airport matapos ang pagdalo sa ASEAN Leaders’ Gathering sa Bali, Indonesia, sinabi ni Duterte na ang pinakamahinang bahagi ng ekonomiya ng bansa ay ang sektor ng agrikultura.
Ayon sa pangulo, hindi niya inasahan haharap sa kanya ang problema sa kakulangan sa bigas.
Iginiit ng presidente ang kahalagahan ng ‘rice importation’ na anya ay nauna na niyang ipinag-utos.
Dahil dito ay hinimok niya si Agriculture Secretary Manny Piñol na balansehin ang mga problemang kinahaharap ng sektor na ito.
MOST READ
LATEST STORIES