PNoy hindi pa kuntento sa El Niño preparations

water ncr
Inquirer file photo

Pupulungin ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga opisyal nito na nakatoka sa El Niño preparations.

Gusto ng pangulo na alamin ang updates sa mga inilatag na mga hakbangin ng pamahalaan bilang paghahanda sa magiging epekto ng tagtuyot o El Niño.

Una nang inatasan ni Aquino ang Food Security Council na gumawa ng mga plano na makatutugon para maging sapat ang suplay ng pagkain sa loob ng panahon ng tag-init.

Ang Food Security Council ay binubuo ng Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of Finance, Bangko Sentral ng Pilipinas, PAGASA, National Food Authority, National Irrigation Administration, Philippine Statistics Authority at National Economic Development Authority (NEDA).

Batay sa pagtaya ng pagasa, mararamdaman ang epekto ng el niño umpisa sa huling bahagi ng 2015 at tatagal sa unang apat na buwan ng susunod na taon .

Dahil dito, patuloy ang panawagan ng pamahalaan na magtipid sa paggamit ng tubig.

 

Read more...