Mga ralyista at mga pulubi hindi itatago sa panahon ng APEC summit

Us-embassy-rally-1
Inquirer file photo

Tiniyak ng pamahalaan na ipatutupad ang maximum tolerance sa mga inaasahang kilos-protesta kasabay ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa bansa sa susunod na linggo.

Gayunman, sinabi ni Presidential spojesperson Edwin Lacierda na kailangan pa ring kumuha ng permit ng mga ralyista dahil nauna nang sinabi ng Philippine National Police na mahigpit nilang ipatutupad ang no permit no rally policy.

Bukod sa mga militanteng grupo ay inaasahan din ng PNP ang pagsasagawa ng kilos-protesta ng ibat-ibang mga Lumad organizations mula sa Mindanao region.

Nauna dito ay tiniyak naman ng Department of Social Welfare and and Development (DSWD) na hindi nila itatago ang mga batang lansangan pati na rin ang mga street dwellers sa panahon ng APEC summit

Ipinaliwanag ni DSWD Sec. Dinky Soliman na ipinatutupad lang nila ang kampanya sa paglilinis ng mga lansangan kaya kakaunti ang mga pulubi na nakikita ngayon sa mga pangunahing daanan sa Metro Manila.

Read more...