Isko Moreno nagbitiw na bilang opisyal ng DSWD para tumakbo sa pagka-alkalde ng Maynila

Nagbitiw na bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development si Isko Moreno para tumakbo sa pagka-alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Sa sulat na ipinaabot ni Moreno kay Pangulong Rodrigo Duterte, iginiit nito na hindi niya na matiiis ang kasalukuyang sitwasyon ng mga mamamayan ng Maynila.

Ayon sa dating bise alkalde ng lungsod, magsasagawa siya ng press conference ngayong umaga sa Arroceros Street para pormal na ianunsyo ang kanyang pagtakbo sa pagkaalkalde.

Nagsilbing Vice Mayor ng Maynila si Isko mula 2007 hanggang 2016 at hindi itinuloy ang pagtakbo sa pagka-alkalde upang bigyang daan ang kandidatura ni Mayor Joseph Estrada.

Read more...