Napili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Teodoro ‘Boy’ Locsin bilang susunod na kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) kapalit ni Sec. Alan Peter Cayetano.
Inanunsyo ito ng pangulo sa pulong balitaan sa kanyang pagdating sa Davao International Airport matapos ang pagdalo sa ASEAN Leaders’ Gathering sa Bali, Indonesia.
Ayon sa pangulo, inutusan niya si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na tawagan si Locsin upang tanungin kung tatanggapin ba nito ang posisyon.
Hindi pa naman kumpirmado kung tinanggap na ni Locsin ang pwesto.
Si Locsin ay isang abogado, dating pulitiko at dating mamamahayag na kasalukuyang kinatawan ng Pilipinas sa United Nations.
Nakatakdang tumakbo sa pagka-kongresista si Cayetano para sa Taguig City.
Samantala, sinabi ng pangulo na naghahanap pa siya ng kapalit para sa ibang miyembro na tatakbo sa Halalan 2019.