Naitala ang magkahiwalay na pagyanig sa Davao Oriental at Camarines Sur hatinggabi ng Biyernes.
Alas-12:00 ng hatinggabi ng maganap ang magnitude 3.0 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental.
Ang episentro ng lindol ay sa layong 114 kilometro Timog-Silangan ng Governor Generoso.
May lalim itong 25 kilometro.
Alas-12:37 naman nang tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Camarines Sur.
Ang episentro ng lindol ay sa layong 11 kilometro Timog-Kanluran ng Lupi.
May lalim itong apat na kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahan ang aftershocks.
Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES