Nakabalik na ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang pagbisita sa Bali, Indonesia.
Pasado alas-12:00 ng hatinggabi ng dumating ang presidente sa Davao International Airport.
Dumalo ang pangulo sa ASEAN Leaders’ Gathering sa Bali na bahagi ng taunang pagpupulong ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB).
Sa kanyang arrival speech, sinabi ng pangulo na kanyang iginiit sa pagpupulong ang kahalagahan ng pagkakaisa ng ASEAN bloc.
Nabanggit din ng pangulo ang ginawang pagtulong ng Pilipinas sa Indonesia matapos ang mapaminsalang lindol.
Ani Duterte, tutulong ang Pilipinas sa panahon ng pangangailangan dahil responsibilidad ito ng bansa bilang kapatid at kapitbahay na bansa.
Mananatili anya ang commitment ng Pilipinas sa ASEAN.