Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr., batay sa kanilang monitoring ay wala pang naitatalang election-related crime o insidenteng may kinalaman sa filing ng COC.
Pero hindi magpapakampante ang mga pulis, at sa katunayan ay nakatutok sila at magtitiyak ng seguridad hanggang sa deadline ng paghahain ng COC sa susunod na linggo.
Ang filing ng COC sa iba’t ibang field offices ng Commission on Elections sa buong bansa ay magtatapos sa October 17, 2018.
Samantala, kinumpirma ni Durana na plano ng PNP na makipagpulong sa ilang senatorial candidates, lalo na ang mga nangangailangan ng security assistance.
Gayunman, nilinaw ni Durana na ang security assistance ay ibibigay lamang sa mga kandidato na may aktwal na banta sa kanilang buhay.