P300 Million halaga ng bigas kinumpiska ng gobyerno

Inquirer file photo

Sinimulan na ang forfeiture proceedings para sa may P300 Million halaga ng bigas na nakumpiska ng Philippine National Police at Bureau of Customs.

Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde sa magkatuwang na mga operasyon ay nakakumpiska sila ng 124,807 sako ng bigas sa pitong bodega sa Bulacan.

Aniya nagsagawa sila ng inspection sa 801 bodega kung saan may nakaimbak na higit isang milyong sako ng bigas.

Karamihan sa mga sinuring mga bodega ay sa Central Luzon, Cagayan Valley at Ilocos Region. Gayundin sa Cordillera, Western Mindanao at Bicol region.

Isinagawa ang inspections alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin ang kampaniya laban sa mga rice hoarders kasabay ng mataas na halaga ng bigas.

Read more...