Sa ulat ng BOC, kabilang sa nasabat ay ang 2,329 gramo ng cocaine mula sa Sao Paolo, Brazil na nagkakahalaga ng P12.3 Million.
Naka-consigned ang nasabing kargamento sa isang nagngangalang Johnmel Natividad ng Sta. Isabel, Caloocan City.
Nasabat rin ng mga otoridad ang 204 gramo ng shabu mula sa United Kingdom na nagkakahalaga naman ng P1.43 Million.
Ang nasabing shabu ay nakatakda sanang i-deliver kay Joy Bido Marieo na may address sa Bautista st. Sampaloc 4 Dasmariñas City sa Cavite.
Isa pang parcel mula sa California na naglalaman ng naman ng kalahating kilo ng marijuan na may halagang aabot sa P850,000 ang nasabat rin ng BOC sa NAIA.
Nakapangalan ang nasabing parcel kay Raven Delosa ng Quezon City.
Sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na nai-turn over na nila sa Philippine Drug Enforcement Agency ang nasabing mga droga.
Tiniyak rin ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa lahat ng entry point sa bansa bilang bahagi ng war on drugs ng pamahalaan.