UP naglunsad ng voters’ education forum

Mahigit isang daang estudyante ang dumalo sa isang forum sa University of the Philippines o UP sa Diliman na patungkol sa nakatakdang 2019 midterm elections.

Ito’y kasabay ng unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy o COC ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon.

Ang educational forum na tinatawag na UP Vote 2019 ay layong mahimok ang mga kabataan na pumili ng mga nararapat na lider ng bansa.

Kabilang sa mga dumalong speaker ay sina Commission on Elections o Comelec Spokesperson James Jimenez, Edna Co ng National Citizen’s Movement for Free Elections o Namfrel at iba pa.

Ayon kay Jimenez, ang pagboto ay isang kritikal na bahagi ng isang demokratikong bayan, gaya ng Pilipinas.

Aniya, mahalaga na mayroong voter education lalo’t automated na ang halalan, dahil may mga kababayan pa rin tayo na nililito sa proseso nito.

Sa panig naman ni Co, importante na makibahagi ang mga kabataan sa halalan.

Aniya, walang bansa na nakapagtala pa ng 100% perfect kung “free and fair elections” ang pag-uusapan.

Bukod pa sa marami ring hamon sa proseso.

Pero giit ni Co, kung nais ng mga mamamayan na magkaroon ng patas, kapani-paniwala at malinis na eleksyon, kailangan na nakikipagtulungan ang bawat isa at syempre bumoto ng mga tamang tao.

Read more...