M3.7 na lindol naitala sa Davao Occidental

Isang magnitude 3.7 na pagyanig ang naitala sa Davao Occidental alas-12:01 hating-gabi ng Huwebes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 134 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim ang pagyanig na 33 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng lindol na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring aftershocks na naitala.

Read more...