Base ito sa liham ng punong ehekutibo na ipinadala kina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa ilalim ng panukala, aalisin na ang quota sa pag-aangkat ng bigas para matugunan ang tumataas na presyo nito sa merkado.
Layon din ng Rice Tarrification Bill na ma-address ang pangangailangan o ang availability na bigas sa bansa, mahadlangan ang artificial rice shortage, matapyasan ang presyo ng bigas sa merkado, at mabawasan ang kurapsyon at kartel sa rice industry.
Ang Senate Bill 1998 ay nananatiling nakabinbin o nasa 1st reading pa lamang sa Mataas na Kapulungan.
Sa Kamara naman ay lusot na ang panukala sa 3rd and final reading.