Sa botong 159-yes, 1-no at 3-abstain, kakastiguhin ng Mababang Kapulungan si Bertiz.
Ang pagbibigay ng reprimand sa mambabatas ay bunsod ng mungkahi ni House Minority Leader Danilo Suarez.
Bago ito, sa kanyang privilege speech ay humingi ng paumanhin si Bertiz sa mga kasamahan sa Kamara dahil sa kanyang ginawa.
Sinabi nito na handa siya na tanggapin ang anumang magiging parusa ng kanyang mga kapwa kongresista dahil sa kanyang inasal.
Bukod sa mga kasama sa Lower House, nag-sorry rin si Bertiz sa screening personel ng NAIA na si Hamilton Abdul na kanyang naka-engkwentro sa paliparan.
Humingi rin ito ng paumanhin sa kanyang asawa at mga anak at sa lahat ng nasaktan sa ginawa niya.
Naging emosyonal naman si Bertiz nang banggitin na pati ang kanyang pamilya ay idinamay sa nangyari.
Ayon kay Bertiz, may mga mensahe silang natanggap na masarap i-gang rape ang kanyang mga anak na babae at tinawag namang drug addict ang anak na lalaki nito.
Aminado ang kongresita na mali ang kanyang ginawa at hindi ito nararapat para sa isang public official tulad niya.