Aniya, iniisip na lamang umano ng mga kalaban ay kung papaano siya matatanggal sa pwesto.
Ayon pa kay Robredo, medyo nakakatawa ang pahayag ni House Committee on Constitutional Amendments chairman Vicente Veloso na kaya raw inilagay ang naturang probisyon sa panukala ay hindi raw kasi alam kung sino ang tunay na vice president dahil sa electoral protest.
Ang tinutukoy ni Robredo ay ang protesta na isinampa ni dating Senador Bongbong Marcos laban sa kanya na dinidinig pa sa Korte Suprema.
Paalala ni Robredo, mayroon ding nakahaing electoral protest laban kay Marcos.
Giit pa ni VP Leni, hindi niya hahayaan na makagambala sa kanyang mandato ang naturang protesta.
Aniya, bilang pangalawang pangulo ay mandato niya na kung mayroong mangyari sa presidente, siya ang hahalili.
Ikinalugod naman ni Robredo na nagsalita na ang ilang kongresista at mga senador, at maski si Senate President Vicente “Tito” Sotto na nagsabing hindi makakalusot sa Senado ang isinusulong na proposal ng Kamara.