Mocha Uson, independent candidate sa 2019 elections

Inquirer Photo | Jovic Yee

Tatakbo bilang independent candidate sa 2019 midterm ekections si Mocha Uson.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Uson na wala siyang partido sa kaniyang gagawing pagsabak sa pulitika.

Hindi pa rin siya tiyak hanggang sa ngayon kung senador o kongresista ang kaniyang tatakbuhang posisyon.

Una nang inanunsyo ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi makakasama si Uson sa senatorial slate ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Si Pimentel ang presidente ng PDP-Laban.

Read more...