Balasahan ipatutupad na sa PNP para sa 2019 elections

Magpapatupad na ng balasan ang Philippine National Police (PNP) mula provincial hanggang sa station level para sa nalalapit na May 2019 local and national elections.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, tatalakayin ngayong araw ang ipatutupad na reshuffle.

Lahat aniya ng posisyon ay pag-aaralan at dedesisyonan ang mga maaapektuhan.

Partikular na binanggit ni Albayalde na malilipat ng pwesto ang mga police commander na may kaanak na kakandidato sa lugar na nasasakupan nila.

Ang mga pulis naman na sasabak sa eleksyon ay “deemed resigned” sa sandaling maihain nila ang kanilang certificates of candidacy.

Read more...