Isa sya sa mga palabang aktor na walang inuurungan pagdating sa hubaran.
“Work naman e. I’m happy na siguro kung napapasaya ko man ‘yung viewers with what I’m doing, dun sa type of films na ginagawa ko, ibig sabihin I’m doing something right and good,”
ani Joem.
Manipulative bestfriend ng bida (played by Tony Labrusca) ang ginagampanang role ng Kapamilya actor na nag-di-distribute ng alak sa mga bar. Kwento ni Joem, pilit nyang hinahatak pababa si Tony sa pelikula. Si Tony naman ay gumaganap bilang Badger, isang male gymnast na naghahangad na maging isang tanyag na manlalaro. Dagdag pa nya, punung-puno ng sex scenes ang pelikula.
“Palaging tama sya sa pananaw nya sa buhay. Meron lang talaga syang sariling personality and character na I believe na very colorful, interesting character.”
Sa laro ng buhay, kampante ang character ni Joem. Sabi ni Joem, nahirapan sya kung paano palalabasin sa screen ang isang taong may inner dark personality. Kino-consider nyang challenging ang kanyang role.
“Hindi sya physically challenging, more on si Tony, sya gumagawa nung stunts nya. Galing na galing ako sa kanya. More on sa mental part ‘yung sakin, ‘yun ‘yung challenging sa akin”.
Bukod sa pagiging sikat na aktor, kilala rin si Joem sa social media dahil sa vlog ng kanyang girlfriend na si Crisha. Kinaaaliwan at kinakikiligan ng netizens ang vlog ng kanyang girlfriend kasama sya.
Kilala si Joem sa Cinemaone Originals entries na “Ka Oryang,” “Blue Bustamante,” “Mater Dolorosa,” at “Historiographika Errata.”
Produced by Shandii Bacolod, ang “Double Twisting Double Back” ay mula sa direksyon ni Joseph Abello, at pinagbibidahan ng actor-performer na si Tony Labrusca. Kasama din sa pelikula si Mon Confiado.