Pangulong Duterte, biyaheng Bali, Indonesia ngayong araw

PRESIDENTIAL PHOTO

Nakatakdang pumunta si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa Bali, Indonesia.

Ito ay upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders Gathering sa sidelines ng taunang pagpupulong ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB) na magaganap bukas, araw ng Huwebes.

Kasama ng pangulo na dadalo si Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go.

Layon ng pagpupulong ng mga lider ng ASEAN countries na gawing angkop ang ASEAN Vision 2025 sa United Nations Sustainable Development Goals.

Sinasabing ang ASEAN Leaders Gathering ay isa sa mga pangunahing event sa IMF-WB meeting.

Tinatayang higit 18,000 delegado mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang dadalo sa naturang pagpupulong.

Read more...