Sunog sumiklab sa medium security compound ng Bilibid

Kuha ni Chris Osera

Sumiklab ang sunog sa loob ng medium security compound ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Nagsimula ang sunog alas 3:50 ng madaling araw na agad itinaas sa ikaapat na alarma.

Alas 6:52 ng umaga nang ideklara ng Bureau of Fire Protection na fire out na ang sunog.

Wala ring napaulat na nasugatan sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...