M3.4 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Surigao del Norte alas-12:14 ng hatinggabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 65 kilometro Hilagang-Silangan ng Burgos.

May lalim ang pagyanig na 25 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng lindol na hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.

Read more...