Biazon: Pag-aalis ng term limit sa mga mambabatas dapat idaan sa debate

Hinikayat ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang pamunuan ng Kamara magkaroon ng debate at pag-aaralang mabuti ang mga kontrobersyal na probisyon ng draft federal constitution.

Ayon kay Biazon, partikular na dapat na araling mabuti ang pagtatanggal sa term limit ng mga mambabatas.

Paliwanag ng mambabatas kailangang timbanging mabuti ang nasabing probisyon dahil kapag mayroong term limit ang mga mambabatas ay maaring makapaghalalal ng mga bagong magiging kongresista.

Katulad anya ng kasalukuyang sistema ba mayroong term limit ay kulang sa experience ang mahahalal sa kongreso dahil laging napapalitan ng baguhang mambabatas.

Paliwanag nito, napakahalaga ng karanasan sa mga mambabatas lalo na sa deliberasyon sa mga panukala.

Read more...