Mga sanggol sa Malaysia, hindi mahahawa ng HIV sa mga ina

Inquirer file photo

Sinertipikahan ng World Health Organization – Western Pacific Region (WHO-WPR) ang bansang Malaysia bilang kauna-unahang bansa sa rehiyon na nakapag-eliminate ng mother-to-child transmission ng mga sakit na HIV at syphilis.

Sa pagpapatuloy ng ika-69 na session ng WHO Western Pacific Region sa Lungsod ng Maynila, tiniyak ni Dr. Shin Young-Soo, regional director ng WHO Western Pacific, naging committed ang Malaysia para makatiyak na ligtas at malusog ang mga kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mataas na kalidad at abot-kayang health services o pagpapagamot.

Ang assessment sa Malaysia ay isinagawa ng mga eksperto na binubuo ng Regional Validation Team na itinatag ng WHO Regional Office for the Western Pacific kasama ang WHO Malaysia, UNICEF East Asia and Pacific Regional Office, at ang UNAIDS Regional Support Team for Asia and the Pacific. Ang kanilang findings ay pinag-aralan at kinumpirma ng Global Validation Advisory Committee ng WHO.

Sinabi ni Dr. Shin na sa loob ng dalawang dekada, naging marubdob ang adhikain ng Malaysia upang masiguro na ang mga ipinanganganak na sanggol ay walang HIV at syphilis, at malusog na makapagsisimulang mabuhay.

Kaugnay nito, pinagkalooban ng certificate of elimination ng WHO si Malaysian Minister of Health Dr. Dzulkefly Ahmam.

Nasa ikalawang araw ang 69th Session ng WHO Western Pacific Region na ang pinakatampok ay ang paghalal ng mga nominado sa mababakanteng puwesto bilang Regional Health Director na magsisilbi sa loob ng limang taon.

Read more...