Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, devious ang joint resolution number 15 dahil gagawin nitong constituent assembly ang Kamara na walang kamalay-malay ang publiko.
Hindi rin aniya katanggap-tanggap ang transitory provision on succession ng draft constitution dahil inaalis nito ang karapatan na maging successor ng bise presidente sakaling mamatay o maalis sa puwesto ang pangulo.
Tinawag namang desperado ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang administrasyon dahil sa pagbuhay sa naghihingalo ng Charter change.
Duda rin si Zarate sa timing ng paghahain ng joint resolution number 15 at ang pagpasa nito sa komite habang abala ang lahat sa pagtalakay sa panukalang 2019 national budget.
Ikinabahala rin nito na kung sakaling makapasa ang Chacha bago ang 2019 elections ay hindi na ito matutuloy at iurong na lang sa 2022.