Pang. Duterte, cancer-free – Panelo

Negatibo sa sakit na cancer si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, mismong si Duterte ang nag-anunsyo sa resulta ng Diagnostic examination sa cabinet meeting kagabi sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon kay Panelo, base sa pahayag ng pangulo, sinabi nito na negative ang resulta ng mga pagsususri sa kanya.

Matatandaang noong Miyerkules, inamin ng pangulo na nagpa-endoscopy siya sa Cardinal Santos Medical Center.

Sa panig ni Presidential spokesman Harry Roque, sinabi nito susundin ng Malakanyang ang nakasaad sa Konstitusyon na saka lamang isasapubliko ang medical bulletin ng pangulo kung mayroon itong seryosong sakit.

Sinabi pa ni Roque na hangga’t hindi malala ang sakit ng pangulo, ituturing niya muna itong pribadong usapin.

Read more...