Sa panayam ng Radyo Inquirer, iniuugnay ni PDEA Chief Director Aaron Aquino ang isang local drug group na kamag-anak umano ng mga nahuling board member at city councilor ng Marawi sa kaso.
Aniya, mismong ang mga kamag-anak na ito ng mga lokal na opisyal ang umatake sa grupo ng PDEA noong Biyernes, October 5, 2018.
Sinabi ni Aquino na nakuha ang lahat ng impormasyon mula sa mga intelligence group at lumalabas na sila ang tunay na responsable sa pananambang.
Tutulong naman aniya ang Philippine National Police (PNP) na makahanap ng tamang makapagbibigay ng buong pahayag ukol sa insidente.
Sinabi rin ni Aquino na anumang araw ay sasampahan na ng kaso ang mga suspek.
Kung makitaan pa ng matibay na ebidensya na nag-uugnay sa mga lokal na opisyal, isasabay na rin aniya ang mga ito sa isasampang kaso.