Heart relic ni Padre Pio, dadalhin sa Manila Cathedral ngayong araw

Kuhani Rhommel Balasbas

Matapos sa University of Santo Tomas, nakatakda namang dalhin ang heart relic ni Padre Pio sa Manila Cathedral ngayong araw ng Martes.

Isinagawa ang farewell mass sa Santisimo Rosario Parish sa loob ng UST campus bago ilipat ang relic sa Manila Cathedral.

Sa isang panayam, sinabi ni Rev. Fr. Louie Coronel na dederetso ang motorcade sa Manila Cathedral at mananatili hanggang Huwebes.

Aniya, mahigit-kumulang 60,000 deboto ang dumagsa sa UST noong araw ng Lunes.

Ikinatuwa rin aniya ng mga Italyanong pari ang ipinamalas na pananampalataya ng mga Pilipino.

Samantala, dadalhin din ang heart relic sa Cebu Cathedral mula October 11 hanggang 13 at sa Davao Cathedral mula October 14 hanggang 16.

Read more...