Ito ay matapos itapon ang halos 10 tonelada ng kamatis na hindi na mabenta dahil sa dami ng suplay.
Ayon sa Laguna Provincial Agriculture Office, nalugi nang P4 milyon ang mga magsasaka nang ibalik ng ilang trader mula sa Manila at Quezon City ang sobrang suplay.
Sa isang panayam, sinabi ni DA-Calabarzon director Arnel De Mesa na magbibigay ng sitaw, kalabasa at ampalaya sa mga magsasaka para ipalit sa ibang gulay na may sobrang suplay.
Itinanggi naman ni De Mesa na nahihirapan ngayon ang mga magsasaka dahil sa lugi ng pagbebenta ng kamatis.
Sa katunayan aniya, ito na ang ikatlong buwan na maganda ang ani ng mga magsasaka sa lugar.
Malaki na aniya ang kinita ng mga magsasaka sa kanilang unang dalawang buwan.