LPA na binabantayan ng PAGASA, malulusaw lang

Posibleng malusaw sa susunod na 2 hanggang 3 araw ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.

Hindi rin ito inaasahang mabubuo bilang bagyo o tatama sa kalupaan.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 970 kilometers east ng Aparri, Cagayan.

Ngaong araw sinabi ng PAGASA na localized thundersyotms lamang ang iiral sa buong bansa.

Ayon sa PAGASA maaring mayroon pang 2 hanggang 3 bagyo na papasok sa bansa bago matapos ang taon.

Read more...