Bilang ng mga nasawi at nasugatan sa Haiti quake nadagdagan pa

AP Photo

Umabot na sa 15 ang nasawi habang 300 ang nasugatan sa magnitude 5.9 na lindol na tumama sa Haiti noong Sabado.

Ayon sa pinuno ng civil protection agency ng Haiti, nakapagtala din sila ng 40 mga bahay na nawasak.

Tuluy-tuloy din ang operasyon para mailigtas ang iba pang mga nawawala.

Bagaman magnitude 5.9 lamang ang lindol, may kababawan ang pagyanig kaya maraming ari-arian ang napinsala.

Ito na ang pinakamalakas na lindol na tumama sa Haiti mula noong 2010 kung saan naitala ang magnitude 7.0 na lindol.

Dahil sa naturang pagyanig noong 2010 ay nakapagtala ng libu-libong katao na nasawi.

Read more...