Ayon sa Trade Union Congress of the Philippine (TUCP), oras na para iwan ni Lopez ang kaniyang pwesto dahil wala anila itong nagawa para protektahan ang mga mamamayan sa mga mapagsamantalang negosyante.
Hinaing naman ng Federation of Free Workers (FFW) ang kakulangan umano ng political will ng Duterte administration para maiwasan ang pagsipa ng mga presyo.
Ani FFW vice president Julius Cainglet, hindi nila maintindihan kung bakit nais ng DTI na manatili ang sweldo ng iba’t ibang kumpanya imbis na maghanap ng mga trabaho.
Noong nakaraang linggo, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo na sa 6.7 percent ang inflation rate noong buwan ng Setyembre.