VAT, dapat suspindihin ng isang taon ayon kay Governor Imee Marcos

Isa sa nakikitang solusyon ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa patuloy na paglobo ng presyo ng mga pangunahing bilihin ang pagsususpinde sa value added tax (VAT) sa mga basic food commodities, produktong petrolyo, at kuryente.

Ayon sa gobernador, kailangan na ng madaliang solusyon sa patuloy na pagtaas ng inflation rate ng bansa, lalo na para sa mga mahihirap na Pilipino.

Hindi na aniya mahihintay pa ng mga Pilipino ang pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, maging ang resulta ng mga ginagawang pamamaraan ng pamahalaan upang mapababa ang inflation.

Paliwanag ni Marcos, masyado nang mahal ang presyo ng mga bilihin para sa mga Pinoy na namumuhay sa ilalim ng poverty line.

Ngunit kung tatanggalin ang VAT sa ilang mga produkto ay mapagagaan ang pasakit sa gastusin ng mga pamilyang Pilipino.

Ngunit ayon kay Marcos, sa loob lamang ng isang taon dapat tanggalin ang VAT. Kasabay aniya dapat nito ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang pababaain ang inflation rate na magbibigay daan sa pagbaba ng presyo ng pagkain, gasolina, at kuryente.

Suhestyon pa ni Marcos, maipapatupad ito ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isang executive order (EO).

Read more...