Jackpot prize ng Ultralotto pumalo na sa P1B

Isang bilyong piso na ang jackpot prize para sa Ultralotto 6/58.

Ito ang inanunsyo ng kahapon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang official Facebook page.

Ang naturang jackpot prize ang pinakamalaking papremyo sa kasaysayan ng Philippine lotto.

Paglilinaw ng PCSO, hindi pa pinal ang P1 bilyong jackpot prize at posible pa itong tumaas sa magaganap na bola mamayang gabi.

Batay sa datos ng PCSO, wala pang nananalo sa 6/58 Ultralotto simula noong buwan ng Pebrero.

Read more...