Tulong ng Pilipinas sa mga biktima ng lindol sa Indonesia, personal na ibibigay ni Duterte

Personal na iaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Indonesian President Joko Widodo ang tulong ng Pilipinas para sa mga nabiktima sa lindol sa Indonesia kamakailan.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for ASEAN Affairs Junever Mahilum West, idadaan ang tulong sa ASEAN Coordinating Center for Humanitarian Assistance on Disaster Management.

Isang seremonya at solemnity aniya ang gagawin sa pag-aabot ng tulong ng Pilipinas sa Indonesia.

Gayunman, hindi na tinukoy ni West kung magkanong halaga ang ibibigay na ayuda ng Pilipinas dahil isinasapinal pa ito hanggang sa ngayon.

Aabot sa dalawang libo katao na ang naiulat nasawi sa lindol sa Indonesia noong September 27.

Samantala, isusulong ng Pilipinas ang pagpapalakas sa small, mediam enterprise sa ASEAN gatherings sa Bali, Indonesia.

Ayon kay West sesentro ang pagpupulong sa pagpapanatili sa economic growth at paglaban sa kahirapan sa rehiyon.

Read more...