Ayon kay House Committee on Constitutional Ammendments Chair Vicente Veloso nais nilang mabilis ang pagpasa nito para hindi na maging sagabal sa paparating na 2019 midterm elections.
Sa inaprubahang draft ng Konstitusyon, magiging apat na taon na ang isang termino ng mga halal na opisyal kabilang ang kongresista, senador at pangulo.
Ang pangulo ay maaring muling iboto sa ikalawang termino habang aalisin naman ang term-limit ng iba pang opisyal.
Nakasaad din dito na kailangang college graduate ang mga tatakbo sa pagka kongresita, senador, bise presidente at pagkapangulo.
Ang running mate naman ng mananalong pangulo ang awtomatikong magiging bise presidente.
Gagawin din sa ilalim ng bagong Saligang Batas na two-party system na lamang sa bansa.
Sa ilalim din ng draft constitution na mananatili ang Presidential form ng gobyerno pero ang Kongreso na ang magdedesisyon sa pagbuo ng federal states.
Ang mababang kapulungan ay bubuuin ng hindi bababa sa 300 mga kinatawan.
Mananatili din sa ilalim ng panukalang pagpapalit ng konstitusyon ang Senado at ang mga senador ay ihahalal mula sa buong bansa tulad pa rin ng sa partylist.