Biyernes ng gabi ng dumating ang relic sa Pilipinas at iiikot sa Luzon, Visayas at Mindanao sa loob ng 21 araw.
Pinangungunahan ni CBCP Vice President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa UST Plaza kaninang hapon ang isang healing mass.
Matapos ang misa ay binuksan ito sa publiko para sa veneration hanggang bukas, alas-7:30 ng umaga bago dalhin sa Manila Cathedral kung saan tatagal ang relic hanggang sa Miyerkules.
Sa October 11 hanggang 13 ay nasa Cebu Cathedral ito habang sa October 14 hanggang 16 ay nasa Davao Cathedral ito.
Umaga ng October 17 ay ibabalk ito sa Batangas hanggang October 26.
Ang Pilipinas ang ikaapat pa lamang na bansa na bibisitahin ng heart relic matapos ang Estados Unidos, Paraguay at Argentina.
Namatay si Saint Padre Pio noong 1968 kung saan iginugol niya ang kanyang halos buong buhay bilang isang paring Capuchino at ngayon ay isa na sa pinakapinipintakasing santo ng Simbahan.
Publiko, dagsa na sa UST para sa public veneration ng heart relic ni
Padre Pio | @rvbalasbas pic.twitter.com/QwebM7Wowc
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 8, 2018