Salceda: Mga mahihirap lalong maghihirap dahil sa inflation

Inquirer file photo

Sinabi ng kilalang ekonomista na si Albay Rep. Joey Salceda na aabot sa 2.4 milyon na mga Pinoy ang nangangambang lalong mabaon sa kahirapan at malnutrisyon dahil sa epekto ng mataas na inflation.

Sinabi ng mambabatas na lubhang apektado ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo ang 30-percent ng populasyon na nasa lowest bracket.

Lumalabas sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority na mas marami sila kung kumunsumo ng food items ayon pa kay Salceda.

Mas lalong mahirap ang buhay na dinaranas ng ilang mga nasa lalawigan dahil ayon sa PSA ay umaabot sa 10.1 percent ang inflation sa Bicol Region samantalang 9 percent naman sa Autonomouse Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas na hindi sana naging mabigat ang epekto ng inflation kung inunahan ito ng pamahgalaan ng pag-iimport ng food products lalo na ng bigas.

Sa ganitong paraan anya ay matatapan ng supply ang pangangailangan sa mga pamilihan.

Pinayuhan rin ni Salceda ang pamahalaan na magdoble kayod para mapunan ang pangangailangan ng pagkain sa merkado na mabibili ng ordinaryong mamamayan sa mas murang halaga.

Read more...