Ipinag-utos ni Philippine National Police Director Oscar Albayalde ang pagsibak sa mga pulis na umano’y nagpabaya at iniwan ang mga sugatan na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na biktima ng ambush sa Lanao Del Sur.
Sinabi ni ARMM Police Regional Office Director Graciano Mijares na kasalukuyang nasa custody ng kanilang tanggapan ang limang mga pulis at isinasailalim sa imbestigasyon.
Nauna dito ay naglabas ng sama ng loob si PDEA Director General Aaron Aquino dahil inabandona umano ng mga pulis ang mga tinambangan na PDEA agents na naging dahilan ng kanilang kamatayan.
Kabilang sa mga iniimbestigahan ng mga otoridad na posibleng nasa likod ng ambush ay isang kilalang drug lord at pulitiko sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES