Surigao Del Sur, niyanig ng dalawang magnitude 4.0 na lindol

Unang niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Cagwait sa lalawigan ng Surigao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 3 kilometers North ng Cagwait 7:04 umaga ng Lunes, October 8 at may lalim na 28 kilometers.

Samantala, naitala naman ang ikalawang pagyanig sa bayan ng Bayabas sa lalawigan ng Surigao Del Sur.

Naitala ang pagyanig sa 4 kilometers South ng bayan ng Bayabas, 10:13 ng umaga at may lalim na 41 kilometers.

Tectonic ang origin at wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian,intensitites at aftershocks ang ng 2 pagyanig.

Read more...